SAN
ILDEFONSO, Bulacan—Kahit kulimlim ang panahon at nagbabadya ang pagbuhos ng
ulan, hindi napigilan ang mga magsasakang Bulakenyo na lumahok sa isinagawang
harvest festival noong Martes,Hulyo 30.
Sama-sama
at nagkakatuwaan silang namitas ng mga bunga ng honey dew melon, pakwan,
kalabasa,patola, sitaw, upo at amplaya na kanilang itinanim sa 5,000metro
kuwadradong lote sa loob ng bakuran ng Bulacan Agricultural State College
(BASC) sa bayang ito.
Sila
ang mga magsasakang Bulakenyong lumahok sa Kabalikat sa Kabuhayan Farmers
Training Program (KKFTP) na nagpahayag pa na mas malaki angkanilang kinikita
ngayon sa pagsasaka dahil na rin sa mga dagdag kaalamang hatid ng mga katulad
na pagsasanay.
Pagkatapos
mamitas, pinagsama-sama nila ang mga bunga at nakangiting nagpakuha ng larawan
kasama ang mga opisyal at kinatawan ng SM Foundation Incorporated (SMFI),
Harbest Agribusiness Corporation at mga opisyal ng kapitolyo, pamahalaang bayan
ng San Ildefonso, BASC, at ng San Ildefonso Vegetable and Palay Growers
Multipurpose Cooperative (SIVPMPC).
Ang
isinagawang harvest festival ay bahagi
ng KKFTP na isinulong ng SMFI kasama ang Harbest Agribusiness Corporation.
Ayon
kay Connie Angeles, pinuno ng SMFI Livelihood and Outreach Program, ang KKFTP
ay sinuimulan nila 21 linggo na ang nakalilipas.
Ito
ay nilahukanng 126 namagsasaka salalawigan,ngunit ang nakatapos ay 80.
Ang
nasabing 80 magsasaka ay kabilang na sa may 6,700 magsasaka sa ibat-ibang
lalawigan sa bansa na lumahok sa KKFTP.
Kabialng
sa mga lalawigang mas naunang lumahok sa nasabing programa mula noong 2007 ay
ang Benguet, Tarlac, Cebu, Bacolod City, Compostela Valley, Cavite, Laguna,
Nueva Ecija,Pangasinan and Iloilo City.
Ang
KKFTP ay isang idea ni Henry Sy Sr.,and tagapagtatag ng SM Corporationna
nagmamay-ari ng mga naglalakihang mall sa bansa.
Layunin
nito ay mabigyan ng dagdag na kaalaman ang maliliit na magsasaka upang
mapaunlad ang kanilang pagsasaka,mapataas ang kanilang prodyuksyon at lumaki
ang kita.
Ayon
kay Angeles, ikinagagalak nilang malaman na umasenso ang buhay ng mga
magsasakang lumahok sa kanilang isinagawang pagsasanay.
Ito
ay pinatunayan ni Apolinario Cruz,isang 59-anyos na magsasaka mula sa Barangay farmer
Pala-pala ng bayang ito.
Sinabi
ni Cruz na sa pamamagitan ng pagsasaka ay kanyang napag-aral sa kolehiyo ang
kanyang mga anak.
Si
Cruz ay isang dating driver sa kalakhang Maynila na nagbalik sa bayang ito upang
magsaka.
Inayunan
din ito ni Reynaldo Victoria,isang magsasaka mula sa Barangay Bubulong Malaki
sa bayang ito.
Si
Victoria ay nagtapos ng kursong teknikal sa isang kolehiyo sa kalakhang Maynila,
ngunit may pinili na maging isang magsasaka.
Binigyang
diin nilang dalawa na ang kakulangan nila ng kaalaman makabagong pagsasaka ay
napunan sa pamamagitan ng mjga paglahok saibat-ibang pagsasanay katulad ng
KKFTP.
Ayon
kay Victoria, “malaking tulong sa amin ang mga training program, kaya pag may
mga training tinitiyak naming makakadalo kami.”
Ilan
sa mga bagong kalamanang natutuhan nila mula sa KKFTP ay ang pagtatanim ng honey
dew melon, pakwan, at kamatis kung tag-ulan.
“Ngayon
ko lang nalaman na pwede pa lang itanim ang pakwan kahit tag-ulan,” ani Victoria
patungkol sa kaalamang natutuhan sa KKFTP.
Ito
ay dahil sa mga nasabing pananim ay karaniwang itinatamin kung tag-araw.
Para
kay Cruz, malaki ang kinikita nila sa pagtatanim ng mga gulay na wala sa
panahon.
No comments:
Post a Comment