Sunday, August 18, 2013

Dagdag na kaalaman, dagdag na produksyon at kita sa magsasaka


 
SAN ILDEFONSO, Bulacan—Kahit kulimlim ang panahon at nagbabadya ang pagbuhos ng ulan, hindi napigilan ang mga magsasakang Bulakenyo na lumahok sa isinagawang harvest festival noong Martes,Hulyo 30.

Sama-sama at nagkakatuwaan silang namitas ng mga bunga ng honey dew melon, pakwan, kalabasa,patola, sitaw, upo at amplaya na kanilang itinanim sa 5,000metro kuwadradong lote sa loob ng bakuran ng Bulacan Agricultural State College (BASC) sa bayang ito.

Sila ang mga magsasakang Bulakenyong lumahok sa Kabalikat sa Kabuhayan Farmers Training Program (KKFTP) na nagpahayag pa na mas malaki angkanilang kinikita ngayon sa pagsasaka dahil na rin sa mga dagdag kaalamang hatid ng mga katulad na pagsasanay.

Pagkatapos mamitas, pinagsama-sama nila ang mga bunga at nakangiting nagpakuha ng larawan kasama ang mga opisyal at kinatawan ng SM Foundation Incorporated (SMFI), Harbest Agribusiness Corporation at mga opisyal ng kapitolyo, pamahalaang bayan ng San Ildefonso, BASC, at ng San Ildefonso Vegetable and Palay Growers Multipurpose Cooperative (SIVPMPC).

Ang isinagawang  harvest festival ay bahagi ng KKFTP na isinulong ng SMFI kasama ang Harbest Agribusiness Corporation.

Ayon kay Connie Angeles, pinuno ng SMFI Livelihood and Outreach Program, ang KKFTP ay sinuimulan nila 21 linggo na ang nakalilipas.

Ito ay nilahukanng 126 namagsasaka salalawigan,ngunit ang nakatapos ay 80.

Ang nasabing 80 magsasaka ay kabilang na sa may 6,700 magsasaka sa ibat-ibang lalawigan sa bansa na lumahok sa KKFTP.

Kabialng sa mga lalawigang mas naunang lumahok sa nasabing programa mula noong 2007 ay ang Benguet, Tarlac, Cebu, Bacolod City, Compostela Valley, Cavite, Laguna, Nueva Ecija,Pangasinan and Iloilo City.

Ang KKFTP ay isang idea ni Henry Sy Sr.,and tagapagtatag ng SM Corporationna nagmamay-ari ng mga naglalakihang mall sa bansa.

Layunin nito ay mabigyan ng dagdag na kaalaman ang maliliit na magsasaka upang mapaunlad ang kanilang pagsasaka,mapataas ang kanilang prodyuksyon at lumaki ang kita.

Ayon kay Angeles, ikinagagalak nilang malaman na umasenso ang buhay ng mga magsasakang lumahok sa kanilang isinagawang pagsasanay.

Ito ay pinatunayan ni Apolinario Cruz,isang 59-anyos na magsasaka mula sa Barangay farmer Pala-pala ng bayang ito.

Sinabi ni Cruz na sa pamamagitan ng pagsasaka ay kanyang napag-aral sa kolehiyo ang kanyang mga anak.

Si Cruz ay isang dating driver sa kalakhang Maynila na nagbalik sa bayang ito upang magsaka.

Inayunan din ito ni Reynaldo Victoria,isang magsasaka mula sa Barangay Bubulong Malaki sa bayang ito.

Si Victoria ay nagtapos ng kursong teknikal sa isang kolehiyo sa kalakhang Maynila, ngunit may pinili na maging isang magsasaka.

Binigyang diin nilang dalawa na ang kakulangan nila ng kaalaman makabagong pagsasaka ay napunan sa pamamagitan ng mjga paglahok saibat-ibang pagsasanay katulad ng KKFTP.

Ayon kay Victoria, “malaking tulong sa amin ang mga training program, kaya pag may mga training tinitiyak naming makakadalo kami.”

Ilan sa mga bagong kalamanang natutuhan nila mula sa KKFTP ay ang pagtatanim ng honey dew melon, pakwan, at kamatis kung tag-ulan.

“Ngayon ko lang nalaman na pwede pa lang itanim ang pakwan kahit tag-ulan,” ani Victoria patungkol sa kaalamang natutuhan sa KKFTP.

Ito ay dahil sa mga nasabing pananim ay karaniwang itinatamin kung tag-araw.

Para kay Cruz, malaki ang kinikita nila sa pagtatanim ng mga gulay na wala sa panahon.

“Kapag off season, tiyak na malaki angkita dahil mataas ang presyo ng mga off season vegetables,” aniya.  Dino Balabo