Monday, March 19, 2012

1,500 magsasaka, mangingisda tatanggap ng ayuda


MALOLOS - Mahigit isang libong magsasaka at mangingisda ang magtitipon-tipon sa Bulacan Capitol Gymnasium bukas, ika-20 ng Marso sa ganap na ikawalo ng umaga kung saan pangungunahan ni Gobernador Wilhelmino Alvarado ang pamimigay ng mga donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Pedring at Quiel.

Sinabi ni Alvarado na mamahagi sila ng 200,000 mangrove seedlings, 20, 000 nipa shoots at 20 shallow tube wells at 10 milyong fingerlings ng mga bangus at tilapia.

“Through the years, Bulakenyos had proven that we are not the sort who gives up easily. That’s why, we would like to help our fishermen and farmers to start anew and gain back what they had lost during the typhoons. It will also serve as a step for the improvement of agricultural production,” said Alvarado.

Ayon pa kay Provincial Agriculturist Gloria Carillo, nagmula sa Obando, Malolos, Hagonoy at Paombong ang karamihan sa mga mangingisda na naapektuhan ng bagyo.

Idinagdag pa niya na panauhing pandangal si Department of Justice Secretary Leila de Lima at magbibigay din ito ng impormasyon tungkol sa mga karapatan ng mga magsasaka at mangingisda. Dadalo rin ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Irrigation Administration (NIA) at Department of Agrarian Reform (DAR).

Isasagawa rin ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng Barangay Agrarian Reform Council (BARC) na siyang magsisilbing katuwang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa mga barangay.  (PPAO)

No comments:

Post a Comment