Tumaas ang ani,
ngunit mas mababa pa rin kumpara noong dekada 80
PAOMBONG,
Bulacan—Mainit pa ang sikat ng araw, bandang alas-2:30 ng hapon ay hindi na
mapakali si Pedro Geronimo.
Pabalik-balik
siya mula sa kubo ng palaisdaan at sa nakaumang na lumpot o lambat sa pasalangi
ng pinatutuyuang palaisdaan.
“Excited
si Tatay, mukhang makakabawi ngayong taong ito,” sabi Froilan Alvarado sa
Mabuhay habang nakamasid mula sa nakahiwalay na kubo sa may 15-ektaryang
palaisdaang pinamamahalaan ng kanyang biyenan sa bayang ito.
Ilang
sandal pa, kumaway na sa mga tauhan si Geronimo at halos sabay-sabay silang
tumayo mula sa kubo patungo sa pasalangi dala ang salok na may lambat, plastic
tray na halos kasing laki ng kahon ng San Miguel Beer at malaking kahong
plastic kung saan inilalagay ang malalaking alimago at sugpong sumunod sa agos
at nahuli sa lambat.
Ang
ganitong sitwasyon ay ilang beses pang naulit bago kumagat ang dilim noong Miyerkoles, Mayo 8.
Hanggang
gabi at ilang beses pa silang namandaw ng lumpot na nakaumang.
Bago
sumikat ang araw kinabukasan, Mayo 9, umabot na sa siyam na cooler ng sugpo at
hipong swahe ang nahuli.
Bukod
pa rito ang may apat na tray ng naglalakihang alimango.
Sa
kabuuan, umabot na halos 40 cooler ng sugpo ang nahuli sa 15-ektaryang
palaisdaang pinamamahalaan ni Geronimo mula ng magsimula silang bumawas o
humuli noong huling bahagi ng Abril.
Ang
bilang na ito ay halos doble ng kanilang produksyon noong nakaraang dalawang
taon kung kailan ay bumalasak lamang sa 20 cooler na sugpo ang kanilang inani.
“Dalawang taong walang nangyari sa amin,” ang may
lungkot na sabi ni Geronimo patungkol sa mababa o luging ani nila sa taong 2011
at 2012.
Iyon
ang unang mga pagkakataon na nalugi si Geronimo sa loob ng kanyang mahigit 40
taong pamamalaisdaan.
Dahil
sa nahigitan na nila nila ang anis a nagdaang dalawang taon, at halos ay
nangangalahati palamang sila sa aanihin, masaya si Geronimo.
“Makakabawi
kami ngayiong taong ito, may sobra pa,” sabi niya na nakangiti.
Gayunpaman,
iginiit niya na ang kasalukuyang ani na halos ay 40 cooler ng sugpo ay
nananatiling mababa kumpara sa kanilang ani mula dekada 70 hanggang 90.
Batay
sa kuwento ni Geronimo, umaabot sa 250 hangang 280 cooler ng supo ang kanilang
inaani sa 15 ektaryang palaisdaang kanyang pinamamahalaan noong dekada 70
hanggang 90.
Bukod
rito, mas maliliit ang mahigit isang dangkal na sugpong kanilang inani nitiong
Miyerkoles at Huwebes kumpara sa kanilang inaani mahigit 20 taon na ang
nakakaraan.
Ang
kalagayang ito ay nagpapatunay sa mga tala na naipon ng Mabuhay mula sa Bureau
of Agricultural Statistics (BAS) ng Department of Agriculture.
Batay
sa tala ng BAS, umaabot sa 53,804.3 metriko tonelada ang produksyon sa isda at
iba pang lamang dagat ng Bulacan noong 2004.
Ito
ay bumaba sa 40,790.91 metriko tonelada na naitala ng BAS noong 2011.
Maliban
noong 2008 kung kailan umangat sa
51,768.93 metriko tonelada ang produksyon ng Bulacan, ang iba pang taon
matapos ang 2004 hanggang 2011 ay nagpapakita patuloy na pagbagsak ng
produksyon, batay sat ala ng BAS.
Maging
ang produksyon bangus ng lalawigan ay bumagsak din sa naturang panahon. Batay sa tala ng BAS,ang produksyon ng
Bulacan nab angus noong 2004 ay umaabot sa 34,785.00 metriko tonelada, ngunit
bumagsak sa 23,019,66 metriko tonelada noong 2011.
Ayon
kay panglalawigang tanggapan ng pagsasaka, ang pagbagsak ng produksyon ng isda
at iba pang lamang tubig sa lalawigan ay sanhi ng pinaghalo-halong kadahilanan.
Kabilang
dito ang epekto ng climate change, paglilipat gamit ng palaisdaan mula sa
pag-aalaga ng bangus patungo sa pagaalaga ng sugpo, pagbabago ng produksyon
mula sa fish culture ay naging fingerling culture; at patuloy na polusyon sa
katubiganng kailugan.
Para
kay Geronimo at iba pang namamalaisdaan sa lalawigan, ang polusyon sa katubigan
ang pangunahing sanhi ng pagbaba ng kanilang produksyon.
Ito
ay kanilang naramdaman noong kalagitnaan ng deka 90 kung kailan ay umigting ang
paggamit ng aqua feeds ng mga naglalakihang palaisdaan sa Bulacan, partikular
na sa bayan ng Hagonoy.
May
mga nagsasabi rin na ang kawalan ng pagpapatupad sa pagsisinop ng basura ang
sanhi ng polusyon.
Ngunit
ayon kay Geronimo, “wala sa kalingkingan ng epekto ng ng aqua feeds sa tubig
ang epekto ng basura.”
Dahil
dito, nanawagan siya sa pamahalaan upang magpatupad ng mga regulasyon o batas
sa paggamit ng aqua feeds.
Para
naman kay dating Bokal Patrocinio Laderas, ang pagsasagawa ng regulasyon sa
paggamit ng aqua feeds ay kailangang sabayan ng edukasyon o pagpapataas ng
antas ng kaalaman ng mga namamalaisdaan.
“Dapat
ay scientific, hindi yung hula-hula lang at
tsambahan,” sabi ng dating bokal na isang beterano sa larangan ng
pamamalaisdaan.
Ayon
pa kay Laderas, kailangan ng political will ng mga nagpapatupad ng batas.
Iginiit
pa niya na dapat maunawaan ng mga pinunong bayan at mga namamalaisdaan ang
epekto ng aqua feeds sa pangisdaan.
Pinatunayan
ito ni Geronimo ng kanyang banggitin na mas maraming uri ng lamang tubig ang
nawawala sa paggamit ng aqua feeds.
Kabilang
dito ay ang mga hipong swahe.
“Noong
araw, magpagalaw lang kami ng tubig, umaabot sa isang bangka ang nahuhuli
naming swahe, pero ngayon, halos wala na,” aniya.
Binigyang
diin niya ang nahuli nilang mga hipong swahe sa palaisdaang kanyang
pinamamahalaan ay dahil sa hindi nilapaggamit ng aqua feeds.
“Pag
gumagamit kang aqua feeds, walang mabubuhay na hipong swahe sa palaisdaan mo,”
aniya at sinabing lumalabas na bonus sa mga namamalaisdaan ang hipong swahe
dahil hindi naman sila bumibili ng binhi nito.
Idinagdag
pa niya na bukod sa mas pabor sa kalikasan ang di paggamit ng aqua feeds, mas
malaki rin ang kinikita sa tradisyunal na pamamaraan.
“Mas
malaki ang gastos at puhunan sa aqua
feeds, pero sa traditional method ay mababa lang kaya lumalabas ay mas malaki
ang kita sa tradisyunal,” sabi ni Geronimo.
Inayunan
din ito ni Laderas ng bigyang pagpapahalaga ang tubig sa pangisdan sa pahayag
na, “kapag sinalaula moang tubig,
apektado ang pangisdaan.”
Ayon
kay Laderas, ang tubig ay kritikal na kailangan sa industriya ngh pangisdaan.
Ito
ay naobserbahan din ng Mabuhay sa maghapon at magdamag na pagsubaybay sa
paghuli nina Geronimo.
Batay
sa obserbasyon ng Mabuhay, ang tubig ay gamit mula sa pagpapalaki at pag-aalaga
ng sugpo, bangus at alimango.
Sa
paghuli, gamit din ang tubig upang linisin ang huli; at pinatigas ding tubig
ang yelo ang gamit upang ito ay hindi mabulok agad.
Sa
paghahatid naman ng manugan ni Geronimo na si Alvarado ng ani sa mga
consignacion, sa tubig din ng kailugan dumadaan ang mga bangka,na kung maraming
basura ay nagagaid o nalalayak ang elisi nito.
Pagdating
sa punduhan o consignacion, hanggang sa ihanda at lutuin ang ani mula sa
palaisdaan, tubig pa rin ang gamit.
Dino
Balabo
________________
(Ito ay isang follow-up
report sa special report na unang inilathala ng mamamahayag na ito kaugnay ng
isang taong Environmental Reporting Fellowship sa ilalin ng International Women’s
Media Foundation (IWMF) na nakabase sa Washington, DC, USA).