SAN
RAFAEL, Bulacan—Sa halos 15 taon, nagtrabaho bilang seaman si Isagani
Santos,56-anyos ng ng bayang ito.
Ngunit
ang lunting pastulan o greener pasture na kanyang hinanap sa ibayong dagat ay
kanyang natagpuan sa bayang ito.
Ito
ay sa pamamagitan ng pagsasaka ng gulay na ayon sa kanya nagingpangunahing
hanap buhay niya sa pagtataguyod ng pag-aaral ng kanyanglimang anak,kung saan
ay dalawa na ang nakatapos.
Ayon
kay Santos, taong 1995 ng magretiro siya sa pagiging seaman, at dahil kailangan
ng hanap buhay upang itaguyod ang kanyang lumalaking pamilya noon,
nakipagsapalaran siya sa paghahayupan.
Isagani Santos |
Ngunit
dahil sa kakulangan ng sapat na karanasan,hindi siya nagtagumpay kaya’t lumipat
siya sa pagsasaka ng gulay sa Barangay Caingin ng bayang ito.
Hindi
rin sapat ang karansan ni Santo sa pagsasaka ng gulay, ngunit nagtagumpay siya.
Ito
ay dahil sa kanyang deteminasyon na magtagumpay at matutuo sa pamamagitan ng
pagdalo sa ibat-ibang mga pagsasanay.
“Halos
lahat ng mga seminar na inorganisa nila, dinaluhan ko,” ani Santos patungkol sa
mga pagsasany na inorganisa ng ibat-ibang grupo.
Sa
kanyang pagdalo sa mga pagsasanay at mga seminar, higit na tumaas ang
kumpiyansya ni Santos dahil marami natutuhan.
Kabilang
dito ay ang mga bagong pamamaraan sa pagsasaka, gamit ang mga makabagong
kagamitan, binhi at teknloohiya.
Isa
sa pinakasimpleng natutuhan niya ay angpaggamit ng itim na plastic film sa
kanyang seedbed na pumipigil sa pagdami ng mga damo at mga kulisap.
Ayon
kay Santos, nakatutulong din ang nasabing plastic film sakanyang mga pananim
kung tag-araw na mainit ang panahon.
Ipinaliwanag
niya na hindi basta natutuyo ang lupa sa taniman dahil medyo nababalot ito ng
plastic.
Hinggil
naman sa kalidad ng plastic na kanyang ginagamit, ipinamalaki niya ang
produktong Macondray plastic na ayon sakanya ay mas maganda ang kalidad at mas
mura kumpara sa produkto ng East West at ng Harbest.
Edmon Sarmiento |
Para
naman sa ibang OFW na nag-iisipng panibagong hanapubuhay o negosyo, ipinayo ni
Santos ang pagsasaka ng gulay.
“Mas
magandang hanapbuhay ito,malapit ka pa sa pamilya mo,” aniya at ikunuwento na
kaya siya tumigil sa pagiging seaman ay upang makasama ang pamilya ay mga anak.
Dino
Balabo
No comments:
Post a Comment