ni Dino Balabo
LUNGSOD
NG MALOLOS— Ipinapayo ng mga dalubhasa ngayon ang pagpapastol ng itik at bibe
sa mga palayan upang makontrol ang pagkalat ng pesteng rice black bug
(Scotinophara coarctata) o atangyang itim.
Bukod
dito, ipinapayo din ang pagsasagawa ng paglilinis sa bukirin, pagsasaboy ng
pathogenic micro-organism
na
metarhizium o isang uri ng amag, at pagpapatubig sa bukirin. Ang problemang
hatid ng atangyang itim sa palayan ay karagdagan sa unti-unting pag- katuyo ng
bukirin sanhi ng mainit na panahon.
Dahil
dito, naaalarma ang mga magsasaka, ngunit ayon sa Department of Agriculture
(DA), kontrolado ang sitwasyon sa kabila na umabot sa 2,280 ektrayang bukirin
sa Gitnang Luzon ang naapektuhan ng pesteng rice black bug Para naman sa
DA-Bulacan, dapat paigtingin ang pagbabantay sa pananim na palay dahil mas
nagiging aktibo ang atangyang itim kung mainit ang panahon.
‘Itong
mga panahong ito ang gusting-gusto ng mga rice black bug,” ani Gloria Carillo,
ang hepe ng nasabing tanggapan. Ipinaliwanag niya na ang rice black bug ay
bumubutas at pumapasok sa puno ng palay at sinisipsip ang katas nito.
Inilarawan
pa ni Carillo ang insekto bilang isang “invasive pest species” na sumisira sa
palay mula sa pagkakatanim nito hanggang sa sumapaw at mamunga. Sa kasalukuyan,
nilinaw ni Carillo na wala pang infestation ng rice black bug sa Bulacan,
ngunit inamin niya na may mga “sightings” na partikular na sa mga bukirin sa
mga bayan ng Bulakan, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael at Baliwag.
Batay
naman sa tala ng DA-III, ilang lalawigan na sa Gitnang Luzon ang sinalanta ng
rice black bug. Kabilang dito ang lalawigan ng Aurora kung saan ay umabot sa
570 ektarya ang apektado, Nueva Ecija (550 has), Pampanga (220 has), at Tarlac
(1,500 has).
Batay
din sa tala ng DA, umabot sa tatlo hanggang limang poryento ang ibinaba ng ani
sa Nueva Ecija; 10- 20 porsyento sa Tarlac, 20 poryento sa Aurora, at 20
hanggang 40 poryento sa Pampanga.
Sa
kabila ng pananalasa ng peste sa bukirin, sinabi ni Felicito Espiritu ng DA-III
na kontrolado pa rin ito. Ipinaliwanag niya na ang mga magsasaka ay nabigyan na
ng mga akmang pagsasanay sa pagtukoy sa peste, katulad ng paggamit ng light
trapping equipment. Ang light trapping ay ginagamitan ng maliwanag na ilaw na
umaakit sa mga insekto.
Ang
insidente ng rice black bug ay di na bago dahil ito ay unang naitala sa Palawan
noong 1979, na nasundan ng outbreak noong 1982 kung saan umabot sa 4,200
ektaryang bukrin ang naapektuhan. Noong dekada ‘90, ang insidente ng pananalasa
ng peste ay naitala sa mga bukirin sa Mindanao, hanggang noong 2000 ay umakyat
na ito sa Bicol Region.
Noong
2007, naitala sa lalawigan ng Aurora ang insidente ng pamiminsala ng rice black
bug na nasundan pa sa Isabela, Laguna at iba pang lalawigan sa Hilagang Luzon.