MALOLOS—Tinatayang
aabot sa mahigit 1,000 ektarya ng bukirin sa hilagang Bulacan na dating
pinatutubigan ng Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (UPRIIS) ang
masasalanta dahil sa kakulangan ng patubig.
Hindi
pa kasama rito ang mga bukiring natuyo na at nasunog na init ang pananim sa
mataas na bahagi ng bayang ng Miguel na natunghayan ng Mabuhay noong Sabado,
Pebrero 15.
Para
sa mga magsasaka, ang kalagayang ito ay isa lamang sa mga palatandaan ng mga
epekto ng climate change o pagbabago ng
klima na tinampukan ng malalakasna ulan noong Oktubre at Nobyembre at sinundan
ng kawalan ng ulan noong Disyembre hanggang Pebrero.
Ayon
kay Gloria Carillo, pinuno ng Provincial Agriculture Office (PAO), sa bayan ng
San Ildefonso pa lamang ay umaabot na sa mahigit 600 ektarya ang apektado ng kakulangan ng tubig na inilarawan niya na “drought-like” o nakakahalintulad ng epekto ng tagtuyot.
Sa
katabing bayan ng San Miguel, sinabi ni Carillo na bineberipika pa nila ang
ulat, ngunit inihayag niya na umaabot sa mahigit 12,000 ektarya ng bukirin sa
hilagang bahagi ng nasabign bayan ang bahagi ng service area ng UPRIIS.
“Nasa
dulo kasi ng service area ng UPRIIS ang San Miguel at San Ildefonso, kaya
kinakapos sa patubig,” sabi ni Carillo sa isang panayam ng Radyo Bulacan noong
Lunes, Pebrero 17.
Ang
patubig ng UPRIIS ay nagmumula sa Pantabangan Dam na matatagpuan sa hilagang
silangan ng lalawigan ng Nueva Ecija.
Sa
kanyang pahayag, ikunuwento ni Carillona nakatanggap siya ng ulat na ang
patubig ng UPRIIS ay nahaharang sa mga bayan ng Nueva Ecija.
Ito
ang dahilan kaya’t hindi nakakarating sa Bulacan ang patubig na inaasahan ng
mga magsasaka ng magsusustine sa kanilang pananim.
Samantalang
inilarawan ni Carilloang kalagayan ng mga bukirin bilang “drought-like”,
nilinaw niya na wala pang deklarasyon ng may tagtuyot o “drought” saan mang
bahagi ng Gitnang Luzon.
Kinatigan
din niya ang mas naunang pahayag ng mga magsasaka sa bayan ng San Miguel na
bukod sa kapos na patubig, ang isang pang dahilan ng pagkatuyot ng bukirin sa
lalawigan ay ang kawalan ng ulan.
Ito
ay dahil sa matapos manalasa ang mga bagyo noong Oktubre at Nobyembre, animo
nagsara ang langit at wala ng pumatak na ulan mula noong Disyembre.
Ang
kalagayang ito ay naging sanhi ng madaling pagkaubos ng itininggal na tubig ng
mga magsasaka sa mataas na bahagi ng San Miguel.
Ang
pagka-ubos ng tubig samga small far reservoir (SFR) sa nasabing bayan,
partikular na sa Barangay Lambakin ay nagsanhi ng “pagkasunog” ng mga panananim
na palay at mga gulay.
Ang
pagkasunog ay ang pagkatuyo ng pananim sanhi ng kakulangan sa tubig kaya ang
mga dahon ay nanilaw at namula hanggang sa matuyo.
Sa
pagbisita ng Mabuhay sa Barangay Lambakin, natunghayan ang kalagayang itonoong
Sabado bukod pa sa pagkakabitak-bitak ng bukiring natatamnan pa ng palay, at
mga SFR na walang tubig.
Maging
mga pilapil ng SFR ay nagbitak-bitak na rin na ayon sa mga magsasakang sina
Peter Balde at Mauro Santos ay isang palatandaan na matagal na silang walang
tubig.
Para
sa mga magsasaka, ang problemang kanilang nararanasan ay bahagi na ng bunga ng
climate change o pagbabago ng klima.
“Laging
ganyan kaya kailangang mag-adapt kami, kasi wala kaming ikabubuhay kung hindi
kami makikipagsabayan,” sabi ni Simeon Sioson,isa sa mga opisyal ng Lambakin
Agricultural Marketing Cooperative.
Isa
sa mga solusyong binanggit ni Sioson ay ang pagdadagdag ng mag SFR at
pagpapalalim sa mga kasalukuyang SFR sa kanilang bayan.
Ito
ay upang maitinggalo maipon nila ang tubig ulan sa panahon ng tag-ulan at
magamit sa panahon ng tag-araw at makapagpatuloy sila sa produksyon upang
matiyak ang kabuhayan ng kanilang pamilya,partikular na angmga anak na
pinag-aaral.
Ayon
kay Sioson,humingi na sila ng tulong sa Department of Agriculture at inendorso
na ng National Irrigation Administration ang kanilang kahilingan para sa
rehabilitasyon ng kanilang SFR.
Ngunit
ang kanilang kahilingan at nanatiling kahilingan pa rin at hindi pa umaaksyon
ang mga ahensiya ng gobyerno.
Nilinaw
ni Sioson, luibhang kailangan nila ng
tulong ng pamahalaang dahil hindi nila
makakaya ang pagpapahukay sa kanilang SFR at pagpapahukay para sa mga bagong
SFR.
Kinatigan
ito ni Santos, na nagsabing nagsagawa na sila ng bayanihan, ngunit hindi sapat
ang kanilang kakayahan dahil sa malalaki ang SFR at kakailanganin ng makinaryo
tulad ng back hoe. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment