Sunday, August 18, 2013

Dagdag na kaalaman, dagdag na produksyon at kita sa magsasaka


 
SAN ILDEFONSO, Bulacan—Kahit kulimlim ang panahon at nagbabadya ang pagbuhos ng ulan, hindi napigilan ang mga magsasakang Bulakenyo na lumahok sa isinagawang harvest festival noong Martes,Hulyo 30.

Sama-sama at nagkakatuwaan silang namitas ng mga bunga ng honey dew melon, pakwan, kalabasa,patola, sitaw, upo at amplaya na kanilang itinanim sa 5,000metro kuwadradong lote sa loob ng bakuran ng Bulacan Agricultural State College (BASC) sa bayang ito.

Sila ang mga magsasakang Bulakenyong lumahok sa Kabalikat sa Kabuhayan Farmers Training Program (KKFTP) na nagpahayag pa na mas malaki angkanilang kinikita ngayon sa pagsasaka dahil na rin sa mga dagdag kaalamang hatid ng mga katulad na pagsasanay.

Pagkatapos mamitas, pinagsama-sama nila ang mga bunga at nakangiting nagpakuha ng larawan kasama ang mga opisyal at kinatawan ng SM Foundation Incorporated (SMFI), Harbest Agribusiness Corporation at mga opisyal ng kapitolyo, pamahalaang bayan ng San Ildefonso, BASC, at ng San Ildefonso Vegetable and Palay Growers Multipurpose Cooperative (SIVPMPC).

Ang isinagawang  harvest festival ay bahagi ng KKFTP na isinulong ng SMFI kasama ang Harbest Agribusiness Corporation.

Ayon kay Connie Angeles, pinuno ng SMFI Livelihood and Outreach Program, ang KKFTP ay sinuimulan nila 21 linggo na ang nakalilipas.

Ito ay nilahukanng 126 namagsasaka salalawigan,ngunit ang nakatapos ay 80.

Ang nasabing 80 magsasaka ay kabilang na sa may 6,700 magsasaka sa ibat-ibang lalawigan sa bansa na lumahok sa KKFTP.

Kabialng sa mga lalawigang mas naunang lumahok sa nasabing programa mula noong 2007 ay ang Benguet, Tarlac, Cebu, Bacolod City, Compostela Valley, Cavite, Laguna, Nueva Ecija,Pangasinan and Iloilo City.

Ang KKFTP ay isang idea ni Henry Sy Sr.,and tagapagtatag ng SM Corporationna nagmamay-ari ng mga naglalakihang mall sa bansa.

Layunin nito ay mabigyan ng dagdag na kaalaman ang maliliit na magsasaka upang mapaunlad ang kanilang pagsasaka,mapataas ang kanilang prodyuksyon at lumaki ang kita.

Ayon kay Angeles, ikinagagalak nilang malaman na umasenso ang buhay ng mga magsasakang lumahok sa kanilang isinagawang pagsasanay.

Ito ay pinatunayan ni Apolinario Cruz,isang 59-anyos na magsasaka mula sa Barangay farmer Pala-pala ng bayang ito.

Sinabi ni Cruz na sa pamamagitan ng pagsasaka ay kanyang napag-aral sa kolehiyo ang kanyang mga anak.

Si Cruz ay isang dating driver sa kalakhang Maynila na nagbalik sa bayang ito upang magsaka.

Inayunan din ito ni Reynaldo Victoria,isang magsasaka mula sa Barangay Bubulong Malaki sa bayang ito.

Si Victoria ay nagtapos ng kursong teknikal sa isang kolehiyo sa kalakhang Maynila, ngunit may pinili na maging isang magsasaka.

Binigyang diin nilang dalawa na ang kakulangan nila ng kaalaman makabagong pagsasaka ay napunan sa pamamagitan ng mjga paglahok saibat-ibang pagsasanay katulad ng KKFTP.

Ayon kay Victoria, “malaking tulong sa amin ang mga training program, kaya pag may mga training tinitiyak naming makakadalo kami.”

Ilan sa mga bagong kalamanang natutuhan nila mula sa KKFTP ay ang pagtatanim ng honey dew melon, pakwan, at kamatis kung tag-ulan.

“Ngayon ko lang nalaman na pwede pa lang itanim ang pakwan kahit tag-ulan,” ani Victoria patungkol sa kaalamang natutuhan sa KKFTP.

Ito ay dahil sa mga nasabing pananim ay karaniwang itinatamin kung tag-araw.

Para kay Cruz, malaki ang kinikita nila sa pagtatanim ng mga gulay na wala sa panahon.

“Kapag off season, tiyak na malaki angkita dahil mataas ang presyo ng mga off season vegetables,” aniya.  Dino Balabo

Sunday, May 19, 2013

Greener pasture, sa Bulacan natagpuan ng dating OFW



SAN RAFAEL, Bulacan—Sa halos 15 taon, nagtrabaho bilang seaman si Isagani Santos,56-anyos ng ng bayang ito.

Ngunit ang lunting pastulan o greener pasture na kanyang hinanap sa ibayong dagat ay kanyang natagpuan sa bayang ito.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasaka ng gulay na ayon sa kanya nagingpangunahing hanap buhay niya sa pagtataguyod ng pag-aaral ng kanyanglimang anak,kung saan ay dalawa na ang nakatapos.

Ayon kay Santos, taong 1995 ng magretiro siya sa pagiging seaman, at dahil kailangan ng hanap buhay upang itaguyod ang kanyang lumalaking pamilya noon, nakipagsapalaran siya sa paghahayupan.
Isagani Santos

Ngunit dahil sa kakulangan ng sapat na karanasan,hindi siya nagtagumpay kaya’t lumipat siya sa pagsasaka ng gulay sa Barangay Caingin ng bayang ito.

Hindi rin sapat ang karansan ni Santo sa pagsasaka ng gulay, ngunit nagtagumpay siya.

Ito ay dahil sa kanyang deteminasyon na magtagumpay at matutuo sa pamamagitan ng pagdalo sa ibat-ibang  mga pagsasanay.

“Halos lahat ng mga seminar na inorganisa nila, dinaluhan ko,” ani Santos patungkol sa mga pagsasany na inorganisa ng ibat-ibang grupo.

Sa kanyang pagdalo sa mga pagsasanay at mga seminar, higit na tumaas ang kumpiyansya ni Santos dahil marami natutuhan.

Kabilang dito ay ang mga bagong pamamaraan sa pagsasaka, gamit ang mga makabagong kagamitan, binhi at teknloohiya.

Isa sa pinakasimpleng natutuhan niya ay angpaggamit ng itim na plastic film sa kanyang seedbed na pumipigil sa pagdami ng mga damo at mga kulisap.

Ayon kay Santos, nakatutulong din ang nasabing plastic film sakanyang mga pananim kung tag-araw na mainit ang panahon.

Ipinaliwanag niya na hindi basta natutuyo ang lupa sa taniman dahil medyo nababalot ito ng plastic.


Hinggil naman sa kalidad ng plastic na kanyang ginagamit, ipinamalaki niya ang produktong Macondray plastic na ayon sakanya ay mas maganda ang kalidad at mas mura kumpara sa produkto ng East West at ng Harbest.

Edmon Sarmiento
Ang nasabig produkto at ginagamit niya sa pagatatanim ng ibat-ibang gulay tulad ng talong, sili, ampalaya, kamatis,Baguio bean, patola, pipino at iba pa.

Para naman sa ibang OFW na nag-iisipng panibagong hanapubuhay o negosyo, ipinayo ni Santos ang pagsasaka ng gulay.

“Mas magandang hanapbuhay ito,malapit ka pa sa pamilya mo,” aniya at ikunuwento na kaya siya tumigil sa pagiging seaman ay upang makasama ang pamilya ay mga anak. Dino Balabo

Benepisyo ng tradisyunal na pamamalaisdaan



Tumaas ang ani, ngunit mas mababa pa rin kumpara noong dekada 80


PAOMBONG, Bulacan—Mainit pa ang sikat ng araw, bandang alas-2:30 ng hapon ay hindi na mapakali si Pedro Geronimo.

Pabalik-balik siya mula sa kubo ng palaisdaan at sa nakaumang na lumpot o lambat sa pasalangi ng pinatutuyuang palaisdaan.

“Excited si Tatay, mukhang makakabawi ngayong taong ito,” sabi Froilan Alvarado sa Mabuhay habang nakamasid mula sa nakahiwalay na kubo sa may 15-ektaryang palaisdaang pinamamahalaan ng kanyang biyenan sa bayang ito.

Ilang sandal pa, kumaway na sa mga tauhan si Geronimo at halos sabay-sabay silang tumayo mula sa kubo patungo sa pasalangi dala ang salok na may lambat, plastic tray na halos kasing laki ng kahon ng San Miguel Beer at malaking kahong plastic kung saan inilalagay ang malalaking alimago at sugpong sumunod sa agos at nahuli sa lambat.

Ang ganitong sitwasyon ay ilang beses pang naulit bago kumagat ang dilim noong  Miyerkoles, Mayo 8.

Hanggang gabi at ilang beses pa silang namandaw ng lumpot na nakaumang.

Bago sumikat ang araw kinabukasan, Mayo 9, umabot na sa siyam na cooler ng sugpo at hipong swahe ang nahuli.

Bukod pa rito ang may apat na tray ng naglalakihang alimango.

Sa kabuuan, umabot na halos 40 cooler ng sugpo ang nahuli sa 15-ektaryang palaisdaang pinamamahalaan ni Geronimo mula ng magsimula silang bumawas o humuli noong huling bahagi ng Abril.

Ang bilang na ito ay halos doble ng kanilang produksyon noong nakaraang dalawang taon kung kailan ay bumalasak lamang sa 20 cooler na sugpo ang kanilang inani.
 
“Dalawang  taong walang nangyari sa amin,” ang may lungkot na sabi ni Geronimo patungkol sa mababa o luging ani nila sa taong 2011 at 2012.

Iyon ang unang mga pagkakataon na nalugi si Geronimo sa loob ng kanyang mahigit 40 taong pamamalaisdaan.

Dahil sa nahigitan na nila nila ang anis a nagdaang dalawang taon, at halos ay nangangalahati palamang sila sa aanihin, masaya si Geronimo.

“Makakabawi kami ngayiong taong ito, may sobra pa,” sabi niya na nakangiti.

Gayunpaman, iginiit niya na ang kasalukuyang ani na halos ay 40 cooler ng sugpo ay nananatiling mababa kumpara sa kanilang ani mula dekada 70 hanggang 90.

Batay sa kuwento ni Geronimo, umaabot sa 250 hangang 280 cooler ng supo ang kanilang inaani sa 15 ektaryang palaisdaang kanyang pinamamahalaan noong dekada 70 hanggang 90.

Bukod rito, mas maliliit ang mahigit isang dangkal na sugpong kanilang inani nitiong Miyerkoles at Huwebes kumpara sa kanilang inaani mahigit 20 taon na ang nakakaraan.

Ang kalagayang ito ay nagpapatunay sa mga tala na naipon ng Mabuhay mula sa Bureau of Agricultural Statistics (BAS) ng Department of Agriculture.

Batay sa tala ng BAS, umaabot sa 53,804.3 metriko tonelada ang produksyon sa isda at iba pang lamang dagat ng Bulacan noong 2004.

Ito ay bumaba sa 40,790.91 metriko tonelada na naitala ng BAS noong 2011.

Maliban noong 2008 kung kailan umangat sa  51,768.93 metriko tonelada ang produksyon ng Bulacan, ang iba pang taon matapos ang 2004 hanggang 2011 ay nagpapakita patuloy na pagbagsak ng produksyon, batay sat ala ng BAS.


Maging ang produksyon bangus ng lalawigan ay bumagsak din sa naturang panahon.  Batay sa tala ng BAS,ang produksyon ng Bulacan nab angus noong 2004 ay umaabot sa 34,785.00 metriko tonelada, ngunit bumagsak sa 23,019,66 metriko tonelada noong 2011.

Ayon kay panglalawigang tanggapan ng pagsasaka, ang pagbagsak ng produksyon ng isda at iba pang lamang tubig sa lalawigan ay sanhi ng pinaghalo-halong kadahilanan.

Kabilang dito ang epekto ng climate change, paglilipat gamit ng palaisdaan mula sa pag-aalaga ng bangus patungo sa pagaalaga ng sugpo, pagbabago ng produksyon mula sa fish culture ay naging fingerling culture; at patuloy na polusyon sa katubiganng kailugan.

Para kay Geronimo at iba pang namamalaisdaan sa lalawigan, ang polusyon sa katubigan ang pangunahing sanhi ng pagbaba ng kanilang produksyon.

Ito ay kanilang naramdaman noong kalagitnaan ng deka 90 kung kailan ay umigting ang paggamit ng aqua feeds ng mga naglalakihang palaisdaan sa Bulacan, partikular na sa bayan ng Hagonoy.

May mga nagsasabi rin na ang kawalan ng pagpapatupad sa pagsisinop ng basura ang sanhi ng polusyon.

Ngunit ayon kay Geronimo, “wala sa kalingkingan ng epekto ng ng aqua feeds sa tubig ang epekto ng basura.”

Dahil dito, nanawagan siya sa pamahalaan upang magpatupad ng mga regulasyon o batas sa paggamit ng aqua feeds.

Para naman kay dating Bokal Patrocinio Laderas, ang pagsasagawa ng regulasyon sa paggamit ng aqua feeds ay kailangang sabayan ng edukasyon o pagpapataas ng antas ng kaalaman ng mga namamalaisdaan.

“Dapat ay scientific, hindi yung hula-hula lang at  tsambahan,” sabi ng dating bokal na isang beterano sa larangan ng pamamalaisdaan.

Ayon pa kay Laderas, kailangan ng political will ng mga nagpapatupad ng batas.

Iginiit pa niya na dapat maunawaan ng mga pinunong bayan at mga namamalaisdaan ang epekto ng aqua feeds sa pangisdaan.

Pinatunayan ito ni Geronimo ng kanyang banggitin na mas maraming uri ng lamang tubig ang nawawala sa paggamit ng aqua feeds.

Kabilang dito ay ang mga hipong swahe.

“Noong araw, magpagalaw lang kami ng tubig, umaabot sa isang bangka ang nahuhuli naming swahe, pero ngayon, halos wala na,” aniya.

Binigyang diin niya ang nahuli nilang mga hipong swahe sa palaisdaang kanyang pinamamahalaan ay dahil sa hindi nilapaggamit ng aqua feeds.

“Pag gumagamit kang aqua feeds, walang mabubuhay na hipong swahe sa palaisdaan mo,” aniya at sinabing lumalabas na bonus sa mga namamalaisdaan ang hipong swahe dahil hindi naman sila bumibili ng binhi nito.

Idinagdag pa niya na bukod sa mas pabor sa kalikasan ang di paggamit ng aqua feeds, mas malaki rin ang kinikita sa tradisyunal na pamamaraan.

“Mas malaki ang gastos at puhunan  sa aqua feeds, pero sa traditional method ay mababa lang kaya lumalabas ay mas malaki ang kita sa tradisyunal,” sabi ni Geronimo.

Inayunan din ito ni Laderas ng bigyang pagpapahalaga ang tubig sa pangisdan sa pahayag na,  “kapag sinalaula moang tubig, apektado ang pangisdaan.”
 
Ayon kay Laderas, ang tubig ay kritikal na kailangan sa industriya ngh pangisdaan.

Ito ay naobserbahan din ng Mabuhay sa maghapon at magdamag na pagsubaybay sa paghuli nina Geronimo.

Batay sa obserbasyon ng Mabuhay, ang tubig ay gamit mula sa pagpapalaki at pag-aalaga ng sugpo, bangus at alimango.

Sa paghuli, gamit din ang tubig upang linisin ang huli; at pinatigas ding tubig ang yelo ang gamit upang ito ay hindi mabulok agad.

Sa paghahatid naman ng manugan ni Geronimo na si Alvarado ng ani sa mga consignacion, sa tubig din ng kailugan dumadaan ang mga bangka,na kung maraming basura ay nagagaid o nalalayak ang elisi nito.


Pagdating sa punduhan o consignacion, hanggang sa ihanda at lutuin ang ani mula sa palaisdaan, tubig pa rin ang gamit.   
Dino Balabo



 ________________
(Ito ay isang follow-up report sa special report na unang inilathala ng mamamahayag na ito kaugnay ng isang taong Environmental Reporting Fellowship sa ilalin ng International Women’s Media Foundation (IWMF) na nakabase sa Washington, DC, USA).

Tuesday, July 10, 2012

Agricultural base na SMEs, tututukan ng DTI



LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Hullyo 2 (PIA) -- Tututukan ngayon ng
Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapaunlad ng small and
medium enterprises (SMEs) sa pamamagitan ng pagpaprayoridad sa mga
produktong agrikultural bilang pangunahing sangkap at materyal.

Ayon kay Zorina ‘Rhine’ Aldana, Provincial Director ng DTI sa Bulacan,
“nakapokus kami ngayon sa mga SME na agrikultural ang kanilang hilaw
na materyales o raw materyales. Ito ay ayon sa binuong Industry
Cluster Strategic Initiatives ng economic cluster ni Pangulong Benigno
S. Aquino III na naglalayon na mas tulungan kung sinong sektor ang mas
nangangailangan.”

Ipinaliwanag pa ni Aldana na layunin nito na hindi lamang manitili sa
agrikultura ang mga magsasaka kundi maging isang agri-entrepreneur.
“Kapag kasi ang isang produktong agrikultural ay naiproseso, mas
competitive sa merkado. Nagiging industriya ang agrikultura bilang
Agribusiness o negosyo sa sakahan,” aniya pa.

Partikular sa mga produktong agrikultural na palalakasin sa
pamamagitan ng Industry Cluster Strategic Initiatives ay ang kape,
kalamansi, dairy, kawayan, mangga, bangus, at manok.

Sa hiwalay na panayam naman kay Kinatawan Joselito R. Mendoza ng
Ikatlong Distrito ng Bulacan, binigyang diin nito na, “malaking
oportunidad ito lalo na sa distrito dahil nandito ang malaking bahagi
ng production area ng Bulacan. Kumpleto kami rito mula sa mga high
value commercial crops o paggugulayan sa San Ildefonso, paghahayupan,
manukan at Manggahan sa San Miguel, mga saging at kape ng Dona
Remedios Trinidad (DRT) at Kesong Puti ng San Rafael. Food Basket nga
ang gawing ito ng lalawigan. Kaya naman dapat masigurado na kikita ang
karaniwang magsasaka at maliliit na negosyante sa programang ito ng
DTI.”

Kaugnay nito, isasakatuparan ang bagong istratehiyang ito ng DTI sa
ilalim ng One Town, One Product (OTOP). Matatandaan na ang programang
ito na naglalayong palakasin ang mga maliliit at katamtamang negosyo.
Layunin din nito na makalikha ng tatlong milyong trabaho mula sa
sektor na ito at upang maipakilala sa merkado ang mga natatanging
produkto na likha sa bawat bayan at lungsod.

Samantala, nananatiling bukas ang mga government financial institution
(GFIs) tulad ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank
of the Philippines (DBP) sa mga SMEs na nais magsimula o magpalawak ng
negosyo upang mapahiram ng karampatang puhunan.

Nagkaroon ng ganitong mandato ang nasabing mga GFI’s nang ipatupad ng
pamahalaang nasyonal noong 2008 ang Republic Act 9501 o ang Magna
Carta for Micro, Small and Medium Enterprises. Sa puntong ito,
makakahiram ang mga SME’s ng puhunan na may mababang kolateral at may
pagkakataon ding wala nang kolateral. (CLJD/SFV-PIA 3)

Sunday, June 3, 2012

Mango R&D featured in forum




It’s the season for this delectable fruit, touted as the sweetest in the world. Aside from being sweet, it is best known for its yellow-orange and succulent flesh, which is a temptation that is too hard to resist even among diabetics. This is the Philippine mango.
With a domestic production worth P41.6 billion, the mangoes that we savor in abundance in summer support about 2.5 million farmers. Also, its gross value added contribution to agriculture is P12.5 billion with exports valued at US$31 million for its fresh fruits and US$29.7 million for its processed products.
Filipinos are so much into mango (both as consumer and producer) that the country ranked as the 7th and 6th biggest producer and exporter, respectively, in the world.
The science behind
Science and technology plays a big role in the success of the mango industry. This was the key message of Bureau of Plant Industry-National Mango Research and Development Center (BPI-NMRDC) OIC Chief Yondre J. Yonder in his presentation for the mango techno forum held during the recently concluded “19th Manggahan Festival”.
In the forum, sponsored by the Philippine Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) and its regional partner, the Western Visayas Agriculture and Resources Research and Development Consortium, Yonder enumerated some of the research and development (R&D) works on mango done by government institutions.
“A protocol for extended hot water dip treatment (EHWD) was already established”, Yonder started. He explained that EHWD is an accepted method used to disinfest mango fruits against fruit flies. The treatment made it possible for the country to export the fruit to China.
Yonder also mentioned that the national survey on mango seed and pulp weevils was conducted. Results of the survey showed the absence of mango seed weevil and mango pulp weevil (MPW) except in Palawan where there is still the incidence of MPW.
He also reported that a system for planting of tissue-cultured plantlets to soil media was developed along with a protocol for the regeneration of plantlets.
“To maintain the mangoes’ quality, irradiation protocol on postharvest was also established”, he continued. Irradiation is an alternative to vapor heat treatment for disinfecting mango seed and pulp weevil. The technology is rapid, safe, and convenient though costly.
Methods to determine maturity of mango fruits were established. The code of Good Agricultural Practice (GAP) was also developed.
Yonder added that low bark grafting on mango is now made possible by the BPI-Davao National Crop Research and Development Center.
BPI-NMRDC, for its part, is maintaining the germplasm on mango with the continuous collection, evaluation, characterization, and documentation of different mango accessions.
New initiative
In a related development, PCAARRD and the Department of Science and Technology are funding a program titled “Advancing the Philippine mango industry: Production of export-quality mangoes”.
The program aims to expand the supply of safe and export-quality mangoes with the adoption of Integrated Crop Management and Postharvest Quality Management practices, and GAP and Quality Assurance guidelines (Project 2). It also aims to develop pre- and postharvest tools/equipment and facilities for mango production and processing in Region11 (Project 1).
Aside from Region 11, the Program’s Project 2 will be implemented in Regions 1, 2, 3, 4, and 6.  (Butch S. Pagcaliwagan, S&T Media Service)

Magsasaka Siyentista showcases improved swine production




“I am not just a farmer; I am an agripreneur,” said Ramon Peñalosa, Jr. during a field day in his farm in Victorias City, Negros Occidental.
Peñalosa, Magsasaka Siyentista (MS) of the Western Visayas Agriculture and Resources Research and Development Consortium (WESVARRDEC), showcased his improved housing for swine fattening to 22 farmer-beneficiaries from his locality.
He also showed his improved organic farming practices.
Representing WESVARRDEC Director Joseph Idemne, Dr. Reynaldo Dusaran, Regional Techno Transfer and Promotion Coordinator, echoed MS Peñalosa’s slogan, “There is no unproductive farm; only unproductive farmer”. Thus, he encouraged the participating farmers to follow Peñalosa’s agricultural practices for them to benefit from these.
Farmers’ feedback
A farmer beneficiary said that they appreciate Peñalosa’s innovations because aside from the absence of antibiotics and growth hormones, his swine also has a unique meat quality and has less fat.  This is so because as part of Peñalosa’s improved housing for swine, the pig pens are designed so that swine manure is systematically converted to vermicast. Considered an excellent organic fertilizer, vermicast allows for improved swine production and additional profit.
Under the Science and Technology-Based Farm of the Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD), Peñalosa uses the probiotics or a series of technologies which promotes organic swine fattening. Incidentally, these practices are consistent with the Organic Negros campaign of the province.
According to another beneficiary, MS Peñalosa did not only inspire the farmers to replicate his technology; his detailed lectures also prove that his technologies are doable and profitable.
Among others, MS Peñalosa stressed that the sustainability of a farming venture can be brought about by the farmer’s entrepreneurial spirit. For Peñalosa, a farmer must possess an “agripreneurial” spirit that while he is passionate in his farming, he also has an enterprising spirit to maximize the opportunities in his farm.
Peñalosa added that a farmer must make “real money” from his hard work.
Marketing agreement
Aside from Peñalosa’s’ lecture and farm tour, farmer beneficiaries were given piglets. They were also made to form a marketing agreement with Peñalosa. Under the arrangement, farmer beneficiaries will also be provided feeds, probiotics, natural food supplement (NFS), and other inputs. To be able to pay Peñalosa, farmers will have to sell their produce to him.
To ensure the success of the agreement, barangay and other local officials were requested to help monitor the progress of the beneficiaries.  (Jethro Dagunan, WESVARRDEC S&T Media Service)

PhilRice exec urges farmers to think green, smart rice farming


by Ramon Efren R. Lazaro

Farmers are being urged by Dr. Eufemio Rasco Jr., executive director of the Philippine Rice Research Institute (PhilRice) to consider green and smart initiatives to attain food security and sufficiency.

He emphasized energy in rice farming, mechanization, biotechnology, use of information and communication technologies, and upcoming Philippine Rice Academy as some green and smart initiatives that could help the country achieve rice self-sufficiency.

During the recent 2012 National Rice Summit held in Clark, Pampanga, Rasco said green initiatives aim to reduce external input, particularly energy, while smart initiatives are knowledge-intensive and hard labor-reducing technologies.

Currently, PhilRice has the Energy in Rice Farming Program as key green initiative in helping the agriculture sector reduce its greenhouse gas emissions in the atmosphere.

Rasco noted the need to lessen dependence on fossil fuel on various stages of rice production, from land preparation to marketing the produce and explained that they are embarking on the “Energy in Rice Farming Program” that features ways to reduce energy in rice farming.

To labor shortage, Rasco said that they have already developed farm machines designed to address location-specific concerns such as rice combine, transplanter and drumseeder among others to help reduce significant yield losses attributed to manual farming.

PhilRice researchers have also optimize biotechnology tools on developing heat- and submergence-tolerant varieties to help farmers adapt to climate change. The Institute’s genebank houses more than 12,000 accessions that serve as materials for breeding work.

With the ‘e-everything’ phenomenon in the Philippines , PhilRice also harnesses benefits from information technologies.

“Space technology and meteorology can be used to determine status of rice farms, forecast disasters, and organize disaster response”, said Rasco and stressed the use of IT applications for precision farming and supply chain management.

Rasco added that PhilRice is working on a Philippine Rice Academy, an advanced research and training academy focused on promoting 21st century farm techniques. These modern techniques are anchored on precision agriculture principles and practices and entail the use of machines, information technologies, and biotechnology.

In a previous press conference in PhilRice, Rasco noted that farming is not attractive anymore to the children of farmers because of the dwindling income farming families have been getting from their farm lands.
 “In fact, the average age of farmers are now pegged at 57 years old,” Rasco said and added that they are now collaborating with the Departments of Agrarian Reform, Agriculture and Environment and Natural Resources to come out with a program that will encourage the youth to get back into farming with a bigger income and at the same time help achieve the rice self-sufficiency program of the Aquino administration.

The collaboration effort, Rasco explained has led to the Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (ARCCESS) program that will benefit agrarian reform beneficiaries in the country with its pilot project to begin in Central Luzon .

It was found out that despite the efforts of government agencies and other stakeholders to help improve the yields and incomes of agrarian reform beneficiaries (ARBs), gaps still remain.

ARBs farm activities are noted to be mostly fragmented and there are limited consolidations of produce that exacerbate rural poverty and endanger the gains of land reform including the beneficiaries’ desire to maintain ownership and production of awarded lands.

Through ARCCESS, the program aims to improve farm and off-farm net incomes of ARBs through enhanced agri-productivity.

ARCCESS intends to achieve economies of scale in agricultural production not by reconsolidating lands but by organizing the important facets of land preparation, planting, harvesting, logistics and marketing in order to reduce the cost of inputs, improve production efficiencies and increase productivity and incomes of ARBs.

In organizing the supply chain, ARCCESS, focuses mainly on the production, post-production and post-harvest requirements of the ARB organizations that will be a model public-private partnership (PPP), wherein the government steps and taps professional service providers to build the capacity of ARB organizations and connect them with the commodity buyers or the private sector.

Professional service providers will incubate the agri-enterprises of ARB organizations until the organization can already manage their activities by themselves.

A Memorandum of Understanding for the program was recently signed by Rasco for PhilRice, Agrarian Reform Sec. Virgilio de los Reyes and the Department of Agriculture represented by Asec. Dante de Lima.

De los Reyes said the collaboration of DA-DAR and DENR hopes to improve the ARB organizations so that agricultural assistances to the farmers can easily be facilitated.

This way, farmer beneficiaries will be prevented from selling their landholdings and encourages them to be more productive in their agricultural practices.
On the other hand, de Lima said the collaboration effort between the agriculture, agrarian reform and environment departments is a milestone for the farmers to finally make their farm lands more productive.

He noted that the country is seven to 10 years behind development services in the agriculture sector and the project is seen to eventually improve the lives of the farmers and help attain the rice self-sufficiency program of the government by next year.

De Lima also explained that the country’s rice importation in the last three years has drastically decreased and could be rice self sufficient by next year.