GUIGUINTO,
Bulacan—Dapat ng ipatupad sa Bulacan ang isang quarantine o ang pagbabawal ng
paglalabas ng mga aning mangga upang mapigilan ang pagkalat ng isang sakit na
tinatawag ng mga magsasaka na “kurikong.”
Ang
panawagan ay iginiit ng mga magsasaka matapos isama ang ilang piling
mamamahayag sa taniman ng mangga sa Barangay Pritil sa bayang ito upang
patunayan ang lawak ng pinsalang hatid ng mapanirang sakit.
Bukod
sa bayang ito, ang iba pang bayan at lungsod sa lalawigan ay nakapagtala na rin
ng sakit na kurikong tuladng Plaridel, Pulilan, at Malolos.
Ngunit
ang kakatwa sa kalagayan ng pagkalat ng mapanirang sakit sa manggahan ay ang
kawalan ng impormasyon ng mga opisyal ng agrikultura sa lalawigan at sa mga bayan
at lungsod.
Isa
sa kanila ang nagsabi pa ng “eh hindi namin alam, hindi naman nila (magsasaka)
ipinapaalaam sa amin.”
Ang
pahayag na ito ay ipinabatid ng Mabuhay sa mga opisyal sa lalawigan partikular
na kay Gob. Wilhelmino Alvarado na agad na nag-utos na pulungin ang mga
Municipal Agriculture Officers sa Bulacan upang masuri ang kalagayan.
Ang
utos ay inilabas ni Alvarado matapos magbanta ang mga magsasakang mangga sa
Malolos at Guiguinto na puputulin nila ang mga sanga ng mangga nila at
itatambak sa paradahan ng gobernador sa kapitolyo upang bigyan diin ang kawalan
ng monitoring ng mga opisyal ng agrikultura na hindi nagpupunta sa mga barangay
upang makita ang problemang mga magsasaka.
“Malawakna
po ang pinsala,maraming bayan na ang infested ng kurikong,” sabi ni Melencio
Domingo ang tagapangulo ng Malolos City Agriculture and Fisheries Council
(MCAFC).
Dahil
sa nabanggit na kalagayan, iisa na lamang ang nakikitang solusyon ng magsasakang
tulad ni Domingo.
“Dapat
ng mag-quarantine, ipagbawal na ang paglalabas ng mangga mula sa Bulacan para
hindi mahawa ang ibang bayan at lalawigan,” sabi ni Domingo na isa rin
kontratista na nagbobomba ng gamot sa manggahan.
Ang
panawagan ni Domingo patungkol sa pagpapatupad ng quarantine ay may kaugnayan sa
pahayag ng mga opisyal ng agrikultura sa Bulacan at Gitnang Luzon.
Ayon
kina Cristina Geronimo ng Provincial Agriculture Office at Felicito Espiritu ng
Department of Agriculture (DA) sa Gitnang Luzon, wala pang natutuklasang gamot
laban sa sakit na kurikong.
Ang
nasabing sakit ay tinatawag na “bulutong”, “inarmalite” at “patse sa ibang
bahagi ng Bulacan.
Sa
ibang lalawigan ito ay tinatawag na “Gloria Gloria”o kaya ay “Nora Nora”.
Ito
ay dahil sa ang sakit na kurikong ay nakakahalintulad ng itim na nunal namukha
ng tao, tulad nina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at artistang si
Nora Aunor.
Ayon
kay Domingo, ang sakit na kurikong ay nagmula sa lalawigan ng Batangas noong
unang bahagi ng dekada 90.
Noong
1999, umabot na ito sa Lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulacan at mula noon
hanggang sa kasalukuyan ay sinasabing ito ang pangunahing pumipinsala
sa manggahan sa Bulacan.
Batay
sa mga unang pahayag ng opisyal ng agrikultura sa Bulacan, tinatayang ang sakit
na kurikong ay dulot ng pagkalbo ng kabundukan.
Ito
ay dahil sa ang cecid fly na nagsasanhi nito ay dating matatagpuan sa
kabundukan at sa pagkasira at pagkaubos ng mga puno sakanundukan ay lumipat ito
sa mga manggahan sa kapatagan.
Dahil
wala pang gamot o pestisdyong natutuklasan laban sa sakit na dulot ng cecid
fly, ipinapayo ng Philippine Council for
Agriculture, Aquatic and Nature
Resources Research and Development (PCARRD) ang pagsasagawa ng paglilinins ng
mga lilim ng mangga,bukod pa sa pruning o pagbabawas ng sanga ng mangga.
Ayon
sa mga dalubhasa ng PCARRD, ang cecid fly ay karaniwang nananatili sa mga
damuhan sa lilim ng mangga,kaya’t kung lilinisin iyong ay mawawala ito.
Ang
pruning naman ay ipinapayo dahil sa pagtaya na ang cecid fly ay takot sa sinag
ng araw at kapag binawasan ang mga sanga at dahon ng punon ay nagbabalik ito sa
mga damuhan.
Ayon
sa PCARRD, ang cecid fly ay nakakalintuladng lamok at karaniwang nangingitlog
sa mga dahon ng mangga.
Kapag
ang itlog ng cecid fly ay napisa,ang larvae nito ay nagsisiksik sa mga dahon at
bumubutas.
Bumubutas
din sa bunga ang larvae ng cecid fly at nagiiwan ito ng itim na sugat o
patse. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment